Nilinaw ng National Basketball Association (NBA) na wala silang balak na suspendihin ang 2020-21 season sa kabila ng epekto ng COVID-19 at mga natamong injuries ng ilang manlalaro.
Ayon kay NBA Spokesman Mike Bass, itutuloy nila ang kasalukuyang season na nakasunod sa guidelines ng kanilang mga medical experts at health and safety protocols.
Una nang sinuspinde ng NBA ang laban ng Boston at Miami matapos makaranas ng sintomas ng COVID-19 si Heat shooting guard Avery Bradley habang naka-quarantine ang walong manlalaro ng Celtics.
Mayorya naman ng manlalaro ng Philadelphia 76ers ang nagtamo ng injuries habang ang ilan ay may kinalaman din sa virus.
Nabatid na aabot na sa 72 games ang nabawas sa kasalukuyang season ng NBA.
Facebook Comments