Ipinasok ni Kemba Walker ang dagger three para maitakas ng Charlotte Hornets ang 117-112 na home win laban sa Boston Celtics sa NBA.
Tinapos ni Walker ang laro na may 43 points, 5 assists at 4 rebounds. Nag-ambag naman ng 18 markers si Jeremy Lamb.
Dahil sa panalo umangat sa 7-8 win loss record ang Hornets.
May 27 points, 11 assists at 5 rebounds naman si Kyrie Irving para sa Boston na hindi naiwasang bumagsak sa 9-7 card.
Pero kahit natalo sinabi naman ni Celtics coach Brad Stevens na may mga positibong bagay siyang nakita sa laro.
Facebook Comments