NBA | Warriors at Celtics, inalat sa kani-kanilang laban

NBA – Hindi pinaporma ng Oklahoma City Thunder ang Golden State Warriors sa naging laban nila kahapon sa NBA.

Tinambakan ng Thunder ang Warriors sa score na 125-105 kung saan nagsanib-pwersa sina Paul George na may 38-points at Russell Westbrook na may 34-points para makuha ng OKC ang panalo.

Dahil dito, hawak na ng Oklahoma City ang 31-24 win-loss record, habang 41-13 naman ang sa Golden State.


Samantala, tinalo din ng Toronto Raptors ang Boston Celtics sa score na 111-91.

Pinangunahan ni Kyle Lowry ang Raptors na may 23-points kaya’t napigilan nila ang 4-game winning streak ng Celtics.

Facebook Comments