NBA | Warriors, Celtics, at Rockets, wagi sa kani-kanilang laban

Sports – Tinalo ng Golden State Warriors ang Dallas Mavericks para mapanatili nila ang pagiging number one sa standings sa Western Conference ng NBA na may 30 panalo at 8 na talo.

Nanalo ang Warriors sa score na 125-122 kung saan nanguna sa Golden State sina Stephen Curry na may 32-points at Kevin Durant na may 25-points.

Tinambakan naman ng Boston Celtics ang Cleveland Cavaliers sa score na 102-88 kaya nangunguna pa rin ang Celtics sa Eastern Conference na may 31-10 win/loss record.


Hindi din pinaporma ng Houston Rockets ang Orlando Magic sa score na 116-98 kahit pa hindi naglaro ang Star Player nito na si James Harden dahil sa injury.

Facebook Comments