NBA | Warriors, nilampaso ang Cavs; 129-105

26

Wala nang nagulat nang ilampaso ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa kanilang pagbabalik sa Quickens Loan Arena sa NBA.

Sa unang game ng Warriors sa Cleveland na wala na si LeBron James, niratrat ng Golden State ang Cavaliers, 129-105 sa pangunguna ni Stephen Curry.

Umiskor si Curry ng 42 points, 27 rito ay galing sa tres, 7 assists at 9 rebounds para sa panalo. Nagdagdag naman ng 25 markers si Kevin Durant.

May 21 points naman si Colin Sexton para sa Cavaliers na patuloy ang paglagapak sa team standings mula nang layasan sila ni James.

Facebook Comments