NBA | Warriors sinuspinde ng isang laro si Draymond Green

Hindi maglalaro kontra Atlanta Hawks si Draymond Green!

Sinuspinde kasi ng isang laro ang dating Defensive Player of the Year ng Golden State bunsod na rin ng nangyaring tension sa locker room matapos matalo ang Warriors kontra Los Angeles Clippers noong lunes.

Maalalang may pag-asa pa sanang manalo ng Warriors sa regulation dahil hawak nila ang bola at may sapat na oras para sa last shot. Pero idineretso ni Green ang bola patawid ng half court at nag-fumble ito para mabitawan ang bola sa buzzer.


Dahil dito nagkasagutan sina Green at Kevin Durant sa bench na umabot pa hanggang sa locker room.

Para mabawasan ang init ng sitwasyon nagdesisyon ang Warriors na magpahinga muna ng isang laro si Green.

Yung nga lang, walang suweldo si Green sa pagkakasuspinde nito ng isang laro.

Facebook Comments