NBA – Malabong makalaro sa game 4 bukas kontra Houston Rockets si Golden State Warriors Small Forward Andre Iguodala.
Kasunod ito ng tinamo niyang left knee injury sa game 3 noong Linggo.
Kahapon ay sumailalim siya sa x-ray matapos na magdamag na hindi pinatulog ng pananakit ng kanyang tuhod.
Dahil dito inaasahan ang mas mahabang paglalaro sa hardcourt ni Kevon Looney kasama sina Nick Young at Quinn Cook para alalayan ang Warriors.
Facebook Comments