NBA | Warriors, Thunder, Rockets, wagi sa kani-kanilang laban

NBA – Tinalo ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa naging laban nila kahapon sa NBA.

Nanalo ang Warriors sa score na 99-92 kung saan nanguna sa panalo ng Golden State sina Kevin Durant na may 25-points at Klay Thompson na may 24-points.

Dahil sa panalo, nangunguna ngayon sa team standings ng western conference ang Golden State na may 27 na panalo at 7 na talo.


Samantala, tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Houston Rockets sa score na 112-107 habang tinalo din ng Washington Wizards ang Boston Celtics sa score na 111-103.

Facebook Comments