NBA | Warriors, wagi kontra Rockets sa game 6

Oakland – Naitabla ng Golden State Warriors ang standing nila ng Houston Rockets sa NBA Western conference finals.

Sa iskor na 115-86, nilamon ng Warriors ang Rockets sa game 6 kung saan nagpakawala ng 35 points si Klay Thompson.

Dinagdagan pa ito ng 29 points ni Stephen Curry para tuluyang ilubog ang Rockets.


Hindi naman umubra ang 32-points ni James Harden para sa Rockets.

Sa Martes, may 29, muling maghaharap sa game 7 ang dalawang koponan.

Sa Lunes naman maghaharap sa game 7 ang Boston Celtics at Cleveland Cavaliers.

Itinuturing itong makasaysayan ng nba dahil 1979 season pa nang huling umabot sa game 7 ang finals ng parehong Eastern at Western Conference.

Facebook Comments