
Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga ahente nitong sangkot sa gulo sa isang bar sa Quezon City.
Ayon kay NBI Acting Director Lito Magno, nagsagawa na ang kanilang Internal Affairs Division ng initial investigation para matukoy ang maaaring paglabag ng mga ahente.
Oras umano na maisampa na ang mga karampatang asunto, susundan ito ng preventive suspension.
Aniya, walang lugar sa bureau ang anumang misconduct, at tiniyak na mananagot ang sinomang dudungis o yuyurak sa kanilang badge.
Matatandaang sumiklab ang gulo sa isang club sa QC noong Dec. 6, na kinasasangkutan nina NBI agents Erwyn Marasigan at Manny Bocaling.
Sinasabing hindi bababa sa 10 ahente ang nagrambulan sa naturang club.
Facebook Comments









