NBI Asst. Dir. Lito Magno, itinalagang OIC ng bureau

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang Officer in Charge (OIC) Director ng National Bureau of Investigation (NBI) si NBI Assistant Director Lito Magno.

Sa pulong balitaan sa Kuala Lumpur, Malaysia, kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, na si Magno ang papalit kay dating NBI Director Jaime Santiago matapos tanggapin ni Pangulong Marcos ang irrevocable resignation nito.

Pero sa ngayon, wala pang detalye ang Palasyo sa marching orders ni PBBM kay Magno.

Bago ang pagkakatalaga, nagsilbi si Magno sa mga tanggapan ng NBI sa Northern Mindanao at Central Luzon, kung saan hinawakan niya ang mga kaso kaugnay sa human trafficking, organized crime, at fraud.

Facebook Comments