NBI at Bureau of Immigration, iniimbestigahan na ang mag-asawang miyembro umano ng ISIS… pagkansela sa visa ng dalawa, pino-proseso na

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Bureauof Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang mag-asawang mgamiyembro umano ng ISIS na nahuli sa BGC, Taguig City.
  Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin – inilipat nasa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa kanilangkustodiya sina Husayn Al Dhafiri, Kuwait National at Syrian na si Rahaf Zina.
  Sinabi naman ni Immigration Spokesperson AntonetteMangrobang – lumalabas na mula pa noong Hunyo ng nakaraang taon nagtatrabahoang dalawa sa winston Q-8 na siyang nagpoproseso ng mga aplikasyon ng mga OFWsa Kuwait.
  Dagdag pa ni Lavin – inaalam na rin kung palabas langnila ang pagiging negosyante para tumulong sa mga terror group.
  Sa ngayon, pinoproseso na ng B-I ang pagkansela ng visang dalawa at mapadeport ng bansa.
  Nagpasalamat naman ang pamahalaan ng Kuwait sapagkakahuli kay Al Dhafiri na sinabing nakakuha sila ng impormasyon na balaknitong bombahin ang kanilang bansa.
 

Facebook Comments