NBI at COA pinamamadali sa mga dapat na kasuhan sa dialysis scam

55

Pinamamadali ni House Assistant Majority Leader Marlyn Alonte-Naguiat ang National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Audit (COA) sa pagtukoy sa mga kakasuhan patungkol sa maanomalyang dialysis scam.

 

Ayon kay Alonte-Naguiat, dapat magsagawa ng statistical analysis ng mga naprosesong claims ang NBI at humingi na ng tulong mula sa COA upang magsagawa ng quick special audit.

 

Ito ay para matukoy kung may kaduda-dudang pattern at statistical anomalies SA Philhealth records.

 

Malalaman din dito kung may kasabwat ang Wellmed dialysis center sa ahensya ng pamahalaan at kung modus din ba ito sa ibang clinic at ospital.

 

Pinabubuo din ang COA ng special audit team para silipin ang records ng PhilHealth at Wellmed Dialysis Center gayundin ay ipinalalabas ang annual report ng 2018 dahil taong 2017 pa lang ang naipapasa.

Facebook Comments