NBI at Immigration, magsasagawa na rin ng imbestigasyon sa mga ilegal na COVID-19 treatment facilities ng ilang Chinese nationals sa bansa

Papasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng mga nadiskubreng clandestine medical clinics para sa mga Chinese sa bansa na nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, dahil lumalabas na walang supervision at walang permiso mula sa pamahalaan ang operasyon ng mga medical clinics sa Clark Freeport Zone sa Pampanga at sa Makati, hindi malayong makompromiso ang kalusugan ng mga pasyenteng siniserbisyuhan nito.

Sinabi ni Secretary Guevarra na aatasan na rin niya ang NBI gayundin ang Bureau of Immigration (BI) na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) para tugisin ang mga nagpapatakbo ng illegal treatment facilities at para maipasara ang naturang pasilidad.


Nais ng kalihim na makasuhan ang mga nasa likod ng nasabing operasyon.

Facebook Comments