NBI at PNP, lumagda sa MOA hinggil sa anti-illegal drug operation

Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau Investigation (NBI) upang i-formalize ang kanilang kooperasyon kaugnay ng anti- illegal drug operation ng pamahalaan.

Ang MOA ay nilagdaan nina PNP Chief Guillermo Eleazar at NBI OIC Director Eric Distor sa presensya ni Justice Sec. Menardo Guevarra.

Nakapaloob sa nasabing MOA ang garantiya ng integridad at pagkakaroon ng lahat ng mga kinakailangang impormasyon , datos at mga ebedensya para sa pagsasagawa ng imbestigasyon at case build-up laban sa mga abusadong mga law enforcement officers.


Nakasaad din dito ang mga detalyadong ulat o report, at rekomendasyon na isusumite sa kanilang counterpart agency.

Nakapaloob din dito ang pagkakaroon ng buwanang konsultasyon sa kanilang mga ipapadalang kinatawan kaugnay ng implementasyon sa nilagdaang MOA.

Ang naturang commitment ay alinsunod sa itinatadhana ng batas at ang sinususugang regulasyon sa operasyon ng PNP at NBI.

Facebook Comments