NBI at PNP, may ginamit na pamamaraan sa imbestigasyon sa Percy Lapid killing

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na gumamit ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ng method of deduction sa imbestigasyon nito sa pagpatay kay Percy Lapid.

Ayon sa DOJ, sa pamamagitan nito ay may mahabang listahan ang NBI at PNP na tinatawag na persons of interest.

Kabilang aniya sa listahan ang ilang mga politiko, opisyal ng gobyerno at malalaking pangalan na binanggit ni Lapid sa programa nito sa radyo.


Kabilang din aniya sa mga pinagbasehan ng imbestigasyon ang mga nakalap na ebidensya mula sa mga sinumpaang salaysay ng mga person deprived of liberty (PDLs), ballistic analysis, CCTV footage, money trail at iba pang mga physical evidence.

Sinabi rin ni DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano na kabilang din sa mga anggulong sinilip ng mga awtoridad sa paunang imbestigasyon ay ang posibleng may kinalaman sa droga.

Mayroon din aniyang proper forum at tamang oras para mabigyan ng linaw ang lahat.

Facebook Comments