
Ayaw munang patulan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang depensa ni Bansud, Oriental Vice Mayor Alma Mirano na nangungupahan lamang sa kanyang townhouse ang naarestong si Department of Public Works and Highways (DPWH) MIMAROPA Engr. Dennis Abagon.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) acting Director Angelito Magno, kailangan munang patunayan ni Mirano ang depensa nito.
Tumanggi naman ang abogado ni Mirano na si Atty. James Licayu, na magbigay ng pahayag sa depensa ng kanyang kliyente.
Una nang pinadalhan ng NBI ng subpoena si Mirano dahil sa reklamong Obstruction of Justice dahil daw sa pagtago nito kay Abagon sa kanyang townhouse sa Quezon City.
Facebook Comments










