
Nakatakdang ilunsad ng National Bureau of Investigation – Bacolod (NBI-Bacolod) ang “Isumbong mo sa NBI” para maging sumbungan ng publiko sa harap ng kanilang ginagawang imbestigasyon sa mga flood control project sa lalawigan.
Ayon kay NBI-Bacolod Head Manuel Fayre Jr., magbibigay sila ng contact numbers, pati na rin sa messaging applications tulad ng Viber, Messenger, at WhatsApp, para dito i-report ng taong-bayan ang estado ng mga flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Samantala, nakapagsumite na ng mga dokumento ang anim na district engineering office sa ipinadala na subpoena ng NBI-Bacolod na maging basehan ng NBI sa estado ng mga proyekto batay sa kanilang ginagawang actual inspections.
Facebook Comments









