
Makikipag-ugnayan pa rin ang National Bureau of Investigation (NBI) kay “alyas Totoy” kahit pa nag-retract na ito at binawi ang una nitong pahayag na may mga opisyal ng ahensya ang sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Sa ekslusibong panayam ng RMN Manila kay NBI Director Jaime Santiago, sinabi nitong natutuwa siya sa ginawang pagbawi ng whistleblower na si “alyas Totoy.”
Aniya, malinis ang NBI kung kaya nagawa niyang hamunin ito na ilabas ang mga pangalan nang mga sinasabi niyang may kinalaman sa missing sabungero.
Matatandaang sinabi ni “alyas Totoy” na sa NBI humihingi ng cue ang Philippine National Police (PNP) para isagawa ang krimen na mariin namang itinanggi ng ahensya.
Facebook Comments









