Saturday, February 7, 2026

NBI, bukas para sa ‘whistleblower’ na si Guteza

Bukas ang tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa Senate ‘witness’ na si Orly Guteza.

Ayon kay NBI -OIC Director Atty. Lito Magno, kumikilos na ang kanilang tanggapan na maaaring mag-isyu ng subpoena kung nais nitong magbigay ng salaysay.

Ani Magno, tatanggapin nila si Guteza kung nais nitong makipag-ugnayan sa kagawaran.

Bigla na lamang kasing naglaho na parang bula ang former Marine official at hindi rin siya sumipot sa nakatakdang pulong nito sa Justice Department.

Una nang sinabi ni Department of Public Works and Highways Sec. Dizon na kabilang ang testimonya ni Guteza sa mga pinagbatayan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa rekomendasyong kasuhan ng plunder, graft at indirect bribery sina Zaldy Co at Rep. Martin Romualdez.

Matatandaang sa expose’ ng nagpakilalang security consultant ni Co, nagdala umano siya ng 46 na maleta ng basura o pera kina Co at dating House Speaker Romuladez.

Facebook Comments