Papasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa pagpatay kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.
Ayon kay Justice Spokesperson, Undersecretary Markk Perete – ang regional office ng NBI sa Cebu ay magte-take over sa imbestigasyon.
Kahit wala pang inilalabas na kautusan ang DOJ, pwede na aniyang magsimula ang NBI sa pagsisiyasat nito kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Navarro ay namatay sa ambush habang nasa kustodiya ng pulisya sa Cebu City.
Facebook Comments