Saturday, February 7, 2026

NBI, dapat magpadala ng high level delegation sa Interpol para tutukan ang hiling na Red Notice laban kay dating Rep. Zaldy Co

Iginiit ni Navotas Representative Toby Tiangco sa National Bureau of Investigation (NBI) na magpadala ng high level delegation sa International Criminal Police Organization (Interpol) Headquarters sa France.

Ito ay para mapag-ibayo ang pagtutok sa hiling na Red Notice laban kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co upang malimitahan ang galaw nito at matunton ang pinagtataguan.

Hindi kasi kuntento si Tiangco sa hakbang ng gobyerno para mapabalik sa bansa si Co at maharap ang mga alegasyon kaugnay sa budget insertions at pagkuha ng kickback mula sa maanomalyang flood control projects.

Diin ni Tiangco, dapat mas maging pursigido at agresibo ang gobyerno na mapanagot si Co.

Ipinunto ni Tiangco na habang walang Red Notice kay Co, ay mas malaya itong nakakagalaw at nakakapagplano kung paano tatakasan ang mga kasong sinampa sa kanya.

Facebook Comments