
Hiniling ni Atty. Melvin Matibag, ang bagong director ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang mga makakasama sa ahensiya na magtulungan.
Sa kanyang mensahe pagkatapos ng flag raising ceremony, sinabi ni Matibag kailangan niya ang tulong ng lahat ng kawani ng NBI para maisakatuparan ang kanyang mga plano sa ahensiya.
Malaki aniya ang tiwala nito sa kakayahan ng mga empleyado ng NBI para lalo pang mapaganda ang serbisyo nito sa taumbayan.
Umaasa itong pagkatapos ng kanyang panunungkulan ay mayroon din itong magandang ambag sa ahensiya.
Pagkatapos ng mensahe ni Matibag sa mga empleyado ng NBI ay isinagawa naman ang ceremonial handshake para pormal na ipakilala ang mga kawani na makakasama nito sa trabaho.
Si Matibag ay nanumpang bagong NBI director noong Pebrero 20 at dumalo kaagad sa kanyang unang flag raising ceremony sa ahensiya ngayong araw.










