
Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na may request ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ibigay sa kanila ang tirang pondo ng itinatayong NBI building sa Parañaque.
Partikular ang pondo para sa phase 2, 3 at 4 na nasa kamay pa ngayon ng NBI.
Kaugnay nito, sinabi ni Santiago na kakausapin niya si DPWH Sec. Vince Dizon hinggil sa magiging proseso ng pag-turn over ng budget sa proyekto.
Iginiit naman ni Santiago na bayad na ang phase 1 ng P2.4B building ng NBI.
Partikular ang itinatayo ng dalawang construction companies ng mga Discaya sa Maynila.
Sinabi pa ng NBI chief na sa pagpupulong nila ni Dizon malalaman kung ipatitigil ba muna ang konstruksyon ng gusali ng NBI na sinimulang itayo noong 2022 o 2023.
Una nang ibinunyag ni Santiago na may natuklasan siyang katiwalian sa nasabing proyekto.









