NBI Director Santiago, hinamon si alyas “Totoy” na pangalanan ang mga tauhan ng NBI na sangkot sa missing sabongeros

Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang whistleblower na si Julie Patidongan alyas “Totoy” na pangalanan ang mga miyembro ng NBI na sinasabing sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabongero.

Sinabi ni Santiago na mabigat ang akusasyon ni alyas “Totoy” at unfair aniya sa mga tauhan ng NBI kung hindi nito papangalanan ang sinasabi nitong mga tauhan ng bureau.

Sinabi pa ni Santiago na handa siyang ipa-line up ang mga tauhan ng NBI para matukoy ang sinasabing mga sangkot sa missing sabongeros.

Hindi rin aniya sila makakapagsagawa ng imbestigasyon kung walang lalabas na pangalan.

Facebook Comments