
Kinumpirma ni National Bureau of Investigation Director (NBI) Jaime Santiago na ito na ang kanyang huling araw sa pagdalo ng flag ceremony ng NBI sa kanilang tanggapan sa lungsod ng Pasay.
Ito’y matapos na tanggapin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang kanyang inihaing resignation letter.
Matatandaang naging hold on capacity si Santiago matapos na maghain ito ng “irrevocable resignation” noong buwan ng Agosto taong kasalukuyan dahil sa mga iniisyu laban sa kanya sa loob ng tanggapan.
Umaasa naman si Santiago na kung sinoman ang papalit sa kanya ay ipagpatuloy ang kanyang mga magandang nasimulan sa ahensya para sa paglaban ang kriminalidad.
Nagpasalamat din si Santiago sa mga sumuporta sa kanya sa kanyang panunungkulan bilang hepe ng NBI.









