NBI, dumepensa sa kwestyonableng oras ng paghahain ng warrant of arrest kay Rappler CEO Maria Ressa

Manila, Philippines – Dumepensa ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga kumukwestyon sa “late’ na paghahain nila ng warrant of arrest kay Rappler CEO Maria Ressa.

Nilinaw ni Victor Lorenzo, hepe ng NBI-Cybercrime Division na hindi nila layunin na mapagsaraduhan ng mga Korte si Ressa at hindi makapagpyansa.

Nabatid kasi na tapos na ang office hours nang i-serve ang warrant of arrest dahil hanggang alas-5 lamang ng hapon bukas ang Korte.


Ipinaliwanag pa ni Lorenzo na “first opportunity’ nila ang pagpunta sa opisina ni Ressa kahapon dahil natanggap lamang nila ang desisyon ng Manila RTC noong February 12.

Aniya, hindi rin nila inaasahan na nasa opisina pa si Ressa nang magpunta ang kanilang mga ahente.

Itinanggi naman ni Lorenzo ang isyu ng ‘harassment’ sa mga taga Rappler, at hindi aniya nila pinagbawalan ang pag-document sa kanilang pag-aresto.

Facebook Comments