NBI Forensic Team, inatasan nang mangalap ng mga ebidensya sa sunog sa DPWH sa Quezon City kahapon

Pinakilos na ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang NBI Forensic Team na mangalap ng mga ebidensya sa nangyaring sunog kahapon sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City.

Partikular na pinasisilip ni Santiago sa mga ahente ng NBI ang anggulong arson sa sunog.

Ito ay lalo na’t patuloy ang pagkalap ng ebidensya ng mga otoridad kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Una nang inatasan ni Ombudsman Crispin Remulla ang NBI at ang Bureau of Fire Protection (BFP) na tingnan kung may nangyaring arson o sinadya ang sunog sa tanggapan ng DPWH.

Facebook Comments