NBI, gagamit na ng body-worn camera sa kanilang mga operasyon

Pinaghahandaan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paggamit ng camera sa pagsisilbi ng mga search at arrest warrants.

Dahil dito ay nagsimula nang sumailalim sa serye ng mga pagsasanay ang mga tauhan ng NBI para sa tamang alituntunin na naayon sa batas tungkol sa paggamit ng body-worn camera.

Pinangunahan ni Supreme Court Associate Justice Mario Lopez at ng Philippine Judicial Academy o PHILJA ang training na isinagawa sa Tagaytay City.


Bukod sa NBI, Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kabilang din sa sumailalim sa training ang Department of Justice (DOJ), judges mula sa first and second level courts maging ang Commission on Human Rights (CHR).

Noong nakalipas na taong 2021, una nang naglabas ng memorandum ang Supreme Court hinggil sa rules on the use of body-worn cameras in the execution of warrants kasunod ng alegasyon ng umano ay extra judicial killings ng mga law enforcement agency.

Facebook Comments