NBI, handa na sa posibleng pagdating ni VP Sara

Handa na ang National Bureau of Investigation (NBI), gayon din ang ilang miyembro ng media, sa posibleng pagdating ni Vice President Sara Duterte sa bagong tanggapan ng NBI sa Pasay City.

Kaugnay ito sa inihaing subpoena ng NBI sa Bise Presidente noong nakaraang Martes para pagpaliwanagin siya sa mga binitawang banta laban sa First Couple.

Ininspeksyon na rin ng ilang tauhan ng NBI ang mga daraanan ni VP Sara papasok sa sa bagong gusali ng NBI sakaling dumating ito mamaya.


Inaasahang darating mamayang alas-9 ng umaga si VP Sara.

Facebook Comments