NBI, handa nang imbestigahan ang hindi otorisadong pagbabakuna sa PSG

Handa na ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang hindi otorisadong pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay NBI Spokesman Deputy Director Atty Ferdinand Lavin, inatasan na sila ni Justice Secretary Menardo Guevarra na siyasatin ang kontrobersyal na “secret vaccination” kahit wala pang pormal na written order mula sa DOJ.

Aniya, magiging malawak ang imbestigasyon dahil sisilipin nila ang lahat ng aspeto sa naganap na pagbabakuna nagmula sa umano’y iligal na pag-angkat.


Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “smuggled” o ipisulit ang bakuna na ginamit sa PSG dahil wala pang otorisadong COVID-19 vaccine ang Food and Drug Administration (FDA) sa bansa.

Facebook Comments