NBI, handang makipagtulungan sa imbestigasyon laban sa mga nagpakalat sa umano’y pagpanaw ni Ombudsman Remulla

Handa umanong umaksyon ang National Bureau of Investigation (NBI) at tumulong sa lahat ng ahensya ng pamahalaan at sa publiko.

Ito’y kasunod ng kahilingan ng Office of the Ombudsman na imbestigahan ang kumalat na pekeng balita online hinggil sa umano’y pagkamatay ni Ombudsman Boying Remulla.

Ayon sa NBI, matagal na silang tumutulong sa mga reklamo ng karaniwang mamamayan laban sa misinformation, disinformation, at online libel, kahit pa dagsa ang ganitong mga kaso.

Ang pagpapakalat umano ng maling impormasyon sa pamamagitan ng social media ay maituturing na fake news gamit ang information and communications technology at saklaw ng imbestigasyon ng ahensya sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Binigyang-diin ng ahensya na nananatili itong matatag sa pagprotekta sa publiko laban sa pekeng balita at online scams, alinsunod sa mandato nito.

Facebook Comments