NBI, handang tumulong sa imbestigasyon ng PNP kaugnay ng “missing sabungeros”

Tiniyak ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na handa silang tumulong kung sakaling kailanganin ng Philippine National Police (PNP), kaugnay ng imbestigasyon nito sa mga nawawalang sabungero.

Sinabi ni Santiago na partikular na maitutulong ng NBI ang forensic examination sakaling may marekober na labi ng sa missing sabungeros mula sa Taal Lake.

Nabatid na bukod kay gaming tycoon Charlie “Atong” Ang, iimbestigahan na rin ng Department of Justice (DOJ) ang actress na si Gretchen Barretto.

Sinasabing mahigit 100 sabungero ang inihulog daw sa Taal Lake sa Batangas.

Facebook Comments