Nilinaw ng Malacañang na hindi sakop ang National Bureau of Investigation (NBI) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng balasahan ang ilang tanggapan ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakop lamang ng reshuffle ang Bureau of Customs at ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Dapat aniya, regular ang isinasagawang balasahan sa dalawang tanggapan para maiwasan ang pagtatatag ng sarili nilang ‘kingdom’ na makakaapekto sa public service.
Mapipigilan din nito ang mga opsiyal na maging komportable sa kanilang temporary assignments.
Nabatid na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating NBI Director Dante Gierran bilang bagong PhilHealth President habang inatasan si Customs Chief Rey Leonardo Guerrero na patayin ang mga nasa likod ng nagpapatuloy na drug smuggling sa bansa.