Hindi naniniwala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa salaysay ni Jeff Tumbado ukol sa mga katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa pagdinig ng Committee on Transportation na pinamumunuan ni Antipolo Rep. Romeo Acop ay sinabi ng kinatawan ng NBI na pinapabalik nila si Tumbado para suportahan ang mga pahayag nito at sagutin ang kanilang mga katanungan.
Sa pagdinig ay umani ng sermon mula sa mga kongresista si Tumbado makaraang aminin nito na base lang sa opinyon niya at wala syang pruweba sa isinawalat na korapsyon sa LTFRB.
Ayon kay Sagip Partylist Representative Rodante Marcoleta at Parañaque Representative Gus Tambunting, sinayang lang ni Tumbado ang oras ng komite at ng mga kongresista sa pagdinig sa expose nito na base lang umano sa kwento ng mga operators ng public utility vehicles (PUV).
Si Tumbado ay nakaditine na ngayon sa Kamara makaraang patawan ng comtempt ng komite.