NBI humiling sa Interpol ng red notice para kay dating Rep. Zaldy Co

Humiling ang National Bureau of Investigation (NBI) sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) na maglabas ng red notice para kay dating Rep. Zaldy Co.

Kinumpirma ito ni NBI spokesperson Palmer Mallari, na nagsabing idinaan nila ang request sa Philippine Center on Transnational Crime noong November 23.

Kapag naaprubahan, ipapadala ang red notice sa lahat ng member countries upang ipaalam na may arrest warrant si Co na inisyu ng local court.

Dagdag pa ni Mallari, dahil kanselado na ang pasaporte ng dating kongresista, maaari na itong maaresto “by virtue of their immigration laws.”

Matatandaang idineklarang pugante ng Sandiganbayan si Co kaugnay ng umano’y flood control anomaly.

Facebook Comments