NBI, humingi ng sapat na panahon sa ikinakasa nilang imbestigasyon laban kay COMELEC Chair Bautista

Manila, Philippines – Humuhingi ng karagdagang panahon ang National Bureau of Investigation hinggil sa isinasawaga nilang imbestigasyon kaugnay ng umano’y tagong yaman ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Ayon kay NBI Deputy Director for Intelligence Services Vicente De Guzman III patuloy parin ang pakikipag ugnayan nila sa Anti Money Laundering Council hinggil sa umano’y sangkatutak na bank accounts ni Bautista na nabulgar.

Paliwanag ni De Guzman, hindi nila kailangang madaliin ang imbestigasyon dahil baka makompromiso lamang ang resulta ng imbestigasyon.


Pero pagtitiyak ni De Guzman na agad nilang ipababatid kung mayroon nang resulta ang kanilang imbestigasyon.

Una nang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor at AMLC Chairman Nestor Espenilla Jr. na gagamitin din nilang ebidensya ang mga dokumentong isinumite ni Patricia Bautista.

Facebook Comments