NBI, iginiit na walang arbitrary o unlawful detention kina Guo at Ong

Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Retired Judge Jaime Santiago ang mga abogado nina Sheila Guo at Cassandra Li Ong na magsampa ng arbitrary detention case.

Ito ay kung mayroong nalabag ang NBI sa mahigit tatlong araw na pananatili nina Guo at Ong mula nang makabalik ng Pilipinas galing ng Indonesia noong gabi ng Huwebes.

Ayon kay Director Santiago, walang unlawful detention sa dalawa dahil mula pa noong araw ng Biyernes hanggang ngayong Lunes ay holiday.


Paliwanag ni Santiago may mga prosesong isinagawa ang NBI gaya ng pagsasaayos ng mga dokumento at sinampahan din ng hiwalay na kaso sina Guo at Ong.

Pasado alas dose kahapon ng hapon nang pormal na mai-turn over sa Kamara si Ong at sa Senado naman si Sheila na kapatid ng dinismis na Mayor ng Bamban Tarlac na si Alice Guo.

Facebook Comments