NBI, iimbestigahan na ang pagpatay sa dating mamamahayag at consultant ng DOF

Manila, Philippines – Mag-iimbestiga na rin ang National Bureau of Investigation sa pagpatay sa isang dating mamamahayag at dating consultant ng Department of Finance at sa kapatid nito sa San Juan City.

Sa inilabas na Department Order 515 ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, sinabi nito na ang pag-iimbestiga sa pagpatay kina Michael at Christopher Marasigan ay sa ngalan ng public interest.

Nakasaad rin sa utos ng kalihim, na magsasagawa din ng NBI ng case build-up base sa kanilang pag-iimbestiga.


Inatasan din ng kalihim si NBI Director Dante Gierran na magsumite sa kanya ng status report ng kaso.

Facebook Comments