
Agad na umaksyon ang National Bureau of Investigation (NBI) at inalam ang buong detalye kasunod ng sunog na nangyari sa Bureau of Research and Standards–DPWH Office Region 4-A at 4-B sa Quezon City.
Ayon sa Investigation Bureau, babalikan ng kanilang Forensic team maging ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung may pananadya o arson sa nasabing insidente.
May mga espekulasyon kasi na sinadya umanong sunugin ang naturang gusali para mabura ang lahat ng mga ebidensya na may kinalaman sa imbestigasyon ng maanomalyang proyekto ng pamahalaan.
Iginiit rin ng NBI na baka ngayong hapon ay makakuha sila ng progress sa report habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Matatandaang kahapon bago mag 1 p.m. ay sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng DPWH National Office sa Quezon City at Electric circuit mula sa computer umano ang tinutukoy na sanhi ng sunog.
Naka-seal na rin ang area at hindi na papayagan pang may makapasok para sa imbestigasyon.









