NBI, inaalam na ang mga posibleng paglabag sa quarantine protocol sa birthday party ni NCRPO Chief Sinas

Pinaiimbestigahan na rin ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang posibleng mga paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa nangyaring birthday party para kay NCRPO Chief Debold Sinas.

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, may utos na ang DOJ sa NBI na magsagawa ng imbestigayon sa nangyaring Mañanita noong kaarawan ni Gen. Sinas noong Mayo 8, 2020 sa loob ng kampo ng mga pulis.

Kinumpirma rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nanatili pa rin ang kanyang standing order sa NBI na imbestigahan ang lahat ng posibleng paglabag sa mandatory quarantine protocols kahit sino pa ang sangkot dito.


Una na ring ipinag-utos ni PNP Chief Police General Archie Gamboa sa PNP-Internal Affairs Service (IAS) ang agarang imbestigasyon sa nangyaring birthday party para kay Gen. Sinas.

Facebook Comments