NBI, inatasan na ng DOJ na imbestigahan ang smuggling ng palm oil

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na pinabilis na nito ang imbestigasyon sa umano’y smuggling ng mga produktong agrikultural sa bansa kasunod ng apela ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng independent investigation kaugnay ng smuggling ng palm oil na idineklarang animal feed para makaiwas sa mga taripa.

Aniya, inutos din niya sa state prosecutors na suriin ang kanilang mga docket at pabilisin ang preliminary investigation.


Tiniyak naman ni Guevarra na patuloy ang DOJ sa pakikipag-ugnayan sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) para tugunan ang mga smuggler na posibleng mula sa gobyerno at pribadong sektor.

Maaari aniyang maharap ang mga mapapatunayang sangkot sa smuggling sa mga kasong administratibo at kriminal.

Facebook Comments