NBI, inatasan na ng DOJ na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pagpatay kay masbate Vice Mayor Yuson  

1088

Ipinag-utos ng Dept. of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Sa ilalim ng Department Order 564, binibigyang awtoridad ang NBI na maghain ng kaukulang kaso laban sa mga suspek na responsable sa pagpatay.


Inatasan din si NBI Director Dante Gierran na regular na magsumite ng progress reports sa kanilang imbestigasyon.

Nabatid na nasa apat na suspek ang nahuli ng pulisya.

Pinaniniwalaang pulitika ang motibo sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers