Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang nangyaring pagpatay kay Mayor Caesar Perez ng Los Baños, Laguna.
Sa pamamagitan ng inilabas na memorandum, ipinag-utos ni Justice Usec. Ferdinand Sugay kay NBI Officer-in-Charge Eric Distorna na alamin ang responsable sa pagpatay sa nasabing alkalde at sampahan ng kaso ang mga nasa likod nito.
Pinagsusumite rin ng DOJ ang NBI ng ulat sa magiging takbo ng imbestigasyon sa loob ng 30 araw.
Matatandaan na pinagbabaril si Perez habang nasa receiving area ito ng kanilang munisipyo kung saan napag-alaman na dati na palang nakakatanggap ng death threat ang alkalde.
Nabatid na kahit na nakakatanggap ng death threath si Perez matapos mapasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi ito tumigil sa pagtanggap at kumausap ng bisita.
Pormal naman ng nanumpa si Vice Mayor Antonio Kalaw bilang alkalde ng Los Baños, Laguna.