NBI, inatasan na ni Justice Sec. Aguirre na ibigay na sa PDEA ang mga hawak nilang impormasyon hinggil sa anti-drug campaign

Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang NBI na ipaubaya na sa PDEA ang lahat ng operasyon nito laban sa iligal na droga.

Ito ay matapos magpalabas ang Pangulong Duterte ng memorandum na nagpapahintulot sa PDEA bilang tanging magsasagawa ng mga kampanya at operasyon laban sa iligal na droga.

Sa kanyang Department Order Number 670, inatasan din ni Aguirre ang NBI na ibigay sa PDEA ang lahat ng mga impormasyon na kanilang nakalap o natanggap hinggil sa kampanya laban sa iligal na droga.


Ito ay para sa kaukulang aksyon ng PDEA.

Facebook Comments