NBI, inatasan na rin ng DOJ na imbestigahan ang kaso ng pagpatay kay De Guzman

Manila, Philippines – Inatasan na rin ni Justice Secretary Aguirre ang NBI na magsagawa ng parallel investigation sa pagkamatay ni Reynaldo De Guzman.

Si De Guzman ang 14 anyos na kasama ni Carl Angelo Arnaiz nang mawala ito hanggang sa matagpuang patay sa isang morgue.

Kanina positibong kinilala ng kanyang ama ang labi ni De Guzman sa isang punerarya sa Gapan, Nueva Ecija.


Inatasan din ni Aguirre ang NBI na magsagawa ng case build up at magsampa ng kauklang kaso sa DOJ sa sandaling matapos na ang kanilang imbestigasyon.

Tulad ng kaso nina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, ang NBI din ang nagsagawa ng parallel investigation sa kaso ng mga kabataan na sinasabing pinatay ng mga pulis ng Caloocan City.

Facebook Comments