NBI, inatasan ng DOJ na imbestigahan ang isa pang kaso ng EJK sa Caloocan City

Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon sa sinasabing pagkakapatay ng pulis-Caloocan sa isang dating estudyante ng University of the Philippines.

Ayon kay Aguirre, inatasan niya ang NBI na magsagawa ng case build up hinggil sa pagkakapatay kay Carl Angelo Arnaiz.

Batay sa report, pinagbintangan ng mga pulis si Arnaiz na nangholdap sa isang taxi driver sa C-3 Road.


Sinasabing nanlaban sa mga pulis ang disi nuwebe anyos na biktima kaya binaril ito ng mga otoridad.

Tinanggal na sa puwesto ang mga sangkot na pulis na sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.

Una nang dumulog sa Public Attorneys Office ang pamilya ng biktima.

Facebook Comments