Inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation o NBI na tumulong sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa kaso ng pagpatay at pagsunog sa tatlong tao sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay Guevarra, mayroong mga forensic expert ang NBI na malaki ang maitutulong sa imbestigasyon.
Sinabi ng kalihim na ang ganitong uri ng krimen ay marapat na kondendahin at masusing masiyasat upang makamit ang hustisya.
Una na din niyang tinawag na isang kakila-kilabot na krimen ang kaso kung saan matatandaan na kahapon ay nadiskubre sa Tiaong, Quezon ang tatlong sunog na bangkay sa loob ng isang kotseng pagmamay-ari ng dating kongresista na si dating Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza.
Sa inisyal na impormasyon mula sa mga imbestigador, kasama ng dating mambabatas ang kanyang driver na si Ruel Ruiz, at bodyguard na si Nicanor Mendoza.
Pero hindi pa malinaw sa imbestigasyon at kumpirmasyon kung si Mendoza ang isa sa mga nasunog na biktima.