Ipinag-utos na ng korte ang kanselasyon ng pasaporte ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves JR.
Sa desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 51 na inilabas noong Huwebes, February 8, nakasaad na walang karapatang lumabas ng bansa si Teves dahil may kaugnayan sa kaligtasan ng publiko ang kanyang kaso.
Kaugnay nito, inatasan ng korte ang National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin si Teves at ibalik sa Pilipinas.
Nilinaw naman ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi pa pinal at executory ang nasabing kautusan.
Gagawin daw nila ang lahat ng paraan upang baligtarin ang desisyon ng korte.
Nahaharap si Teves sa patong-patong na kasong murder kaugnay sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 2023 at iba pang kaso ng pagpatay sa probinsya noong 2019.
Idineklara rin siyang terorista ng Anti-Terrorism Council.