NBI, inatasan ni Justice secretary Aguirre na magsagawa ng ikalawang DNA testing sa labi ni Reynaldo de Guzman

Manila, Philippines – Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng ikalawang DNA examination sa labi ni Reynaldo de Guzman.

Kasunod ito ng report ng PNP Crime Laboratory na hindi nagtugma ang DNA test ni Reynaldo at ng mga magulang nito.

Ayon kay Aguirre, hindi ito nangangahulugan na hindi si Reynaldo ang batang natagpuan sa Nueva Ecija.


Sinabi ng kalihim na minsan talaga ay nangyayari ang ganito lalo na kung mali ang naging proseso ng pagsusuri at kapag nako-contaminate ang specimen.

Idinagdag ni Aguirre na mabigat din na basehan ang positibong pagkilala ng mga magulang lalo na’t hindi pa naman gaanong bloated at decomposed ang labi.

Facebook Comments